Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan upang mabigyang solusyon ang madalas na pagbabaha sa ilang mga lugar sa Lungsod Quezon ngayong tag-ulan.

Nais ng alkalde na ilunsad ang city-wide program na QC Tanggal Bara, Iwas Baha sa 142 barangays ng lungsod.

Layon nitong hikayatin ang mga barangay na linisin ang kani-kanilang drainage systems, sewer inlets, at mga kalsada kung saan naiipon ang mga basura tuwing may ulan.

Prayoridad itong ipatupad sa mga flood-prone areas at mga tukoy na barangay na nakararanas ng pag-apaw ng tubig tuwing may bagyo o nag-uulan sa QC.

Kasama rin sa pulong sina City Engineer Atty. Dale Perral, Barangay and Community Relations Department head Ricky Corpuz, Department of Sanitation and Cleanup Works head Richard Santuile, at Public Affairs and Information Services Department head Bert Apostol.

#TayoAngQC