Upang mas mapalakas pa ang kalidad ng edukasyon sa lungsod, nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay Love Basillote, isang education specialist at dating Executive Director ng Philippine Business for Education.
Tinalakay nila ang mga maaaring reporma sa edukasyon sa pamamagitan ng innovative interventions at policy research upang masiguro ang mataas na antas ng edukasyon para sa mga mag-aaral na QCitizen.