Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang pagbisita ng ilang kinatawan ng Makabayan Coalition upang talakayin ang ilang napapanahong isyu sa lungsod.
Ayon kay Mayor Joy, laging bukas ang kanyang tanggapan sa mga mamamayan na nais idulog ang kanilang mga suliranin sa komunidad upang agaran itong matugunan.
Kasama sa pulong sina Office of the City Mayor Chief of Staff Ms. Rowena Macatao, former National Anti-Poverty Commission lead convener and secretary Liza Maza at former congressman Teddy Casiño.
Bumisita rin sina Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel, Mody Floranda ng PISTON, at Nurse Jocelyn Andamo.