Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay Nobel Peace Prize Awardee Maria Ressa.
Isa si Ressa sa mga tagapagsalita sa conference na idaraos sa December 10, bilang paggunita sa 75th anniversary ng paglagda sa Universal Declaration ng Human Rights sa Paris, France kung saan ito unang pinagtibay ng UN General Assembly noong 1948.
Imbitado rin sa pagtitipon na gaganapin sa Palais de Chaillot sina Mayor Belmonte at SPARKS Philippines Executive Director Maica Teves, dahil sa kanilang pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mga persons deprived of liberty (PDL). Kabilang dito ang programang “No Woman Left Behind” program, na ang isa sa mga proyekto para sa PDLs ay gawing tote bags ang 70 tonelada ng tarpaulin na ginamit sa halalan.
Ang conference at anniversary celebration maging ng 25th Anniversary ng Universal Declaration of Human Rights Defenders, ay inorganisa ng French Ministry for Europe and Foreign Affairs at Ministry of Justice. Dadaluhan ito ni French President, His Excellency Emmanuel Macron.