Ibinahagi ng McDonalds Philippines kay Mayor Joy Belmonte ang iba-iba nilang programa na isinasagawa sa lungsod.

Partner ng lungsod ang McDonalds sa Pride March celebration noong nakaraang taon, at sa isinagawang kababaihan festival noong Sabado. Naging katuwang din ng lungsod ang McDonalds sa pagdiriwang ng 84th Founding Anniversary ng QC, sa pamamagitan ng pagbibigay ng discount sa mga QCitizen ID holder.

Ipinahayag naman ng McDonalds ang kanilang suporta sa Calorie-labeling policy ng QC, at nangakong makikiisa sa implementasyon nito.

Kasama ni Mayor Joy sa pulong sina McDonalds Philippines Assistant Vice President for Corporate Relations Ms Adie Timbol-Hernandez, Education Affairs Unit Chief Maricris Veloso, at Ms Jai Sideco ng QC Health Department.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 67 branches ang McDo sa QC.

+5