Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte at ilang kinatawan ng Meralco upang talakayin ang mga programa tulad ng electrification ng iba-ibang lugar sa QC.
Dagdag pa rito ang paglutas sa problema sa dangling wires at pagpapakabit ng legal na koneksyon ng kuryente.
Kasama sa pulong sina Chief of Staff Rowena Macatao, Assistant City Administrator Don Javillonar, City Engineer Atty. Dale Perral, Meralco North Business Area head Ms. Margarita David, at mga District Action Officers ng QC.
Kasabay nito, nag turnover din ang Meralco ng cash advance refund na may halagang P12,792,346.96 sa pamahalaang lungsod.