Ibinahagi ng Meralco ang mga target nilang programa sa QC ngayong taon kay Mayor Joy Belmonte.
Sa meeting, ibinahagi ng Meralco ang mga isinagawang proyekto katuwang ang lungsod tulad ng Household Electrification Program, pakikibahagi sa Social Services Caravans, at pagtatayo ng kiosk sa Ease of Doing Business facility ng lungsod.
Nais din nilang mapalawig pa ang Anti-Urban Blight (AUB) Operations na nagtitiyak ng kaligtasan ng mga residente mula sa panganib dulot ng inactive at unauthorized connections at mga nakalalaylay na kawad na kuryente.
Kasama ni Mayor Joy sa pulong sina Assistant City Administrator for Fiscal Affairs Don Javillonar, City Engineer Atty. Dale Perral, at mga kinawan ng Meralco sa pangunguna ng kanilang SAVP at Kamuning & Roosevelt Business Center Head Agnes Macob.