Ibinahagi ng MERALCO ang mga isinagawang proyekto at programa nila sa Quezon City, sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan.
Kabilang dito ang electrification program para mga kabahayan, at pakikipagdayalogo sa mga komunidad para maisulong ang fire prevention at magbigay-impormasyon tungkol sa pagtitipid ng kuryente.
Libo-libo na rin ang mga tinanggal na illegal cable attachments sa iba-ibang barangay, sa ilalim ng Anti-Urban Blight Operations.
Kasama ni Mayor Joy Belmonte sa meeting sina Assistant City Administrator Don Javillonar, City Engineer Atty. Dale Perral, Department of Building Official Head Engr. Isagani Versoza, Meralco Assistant Vice President at Head of Home & Microbiz — North Business Area Alleni Pascual, at iba pang opisyal ng MERALCO.




