Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Magtutulungan ang Quezon City Government at Meralco sa pagsisiguro ng isang ligtas at maaliwalas na komunidad.
Ngayong Lunes, ibinahagi ng Meralco kay Mayor Joy Belmonte ang kanilang mga proyekto at mga nakatakdang ipatupad na programa ngayong taon.
Kabilang dito ang household electrification program, at pagsasagawa ng community engagement activities, para makaiwas sa sunog at maging protektado kapag tag-ulan.
Ipinahayag naman ng lokal na pamahalaan ang mga nais nitong inisyatibo katuwang ang Meralco, kabilang ang pagtatanggal ng mga posteng nakaharang sa mga sidewalk at kalsada, electrification ng karagdagang kabahayan, at net-metering sa 50 pampublikong paaralan na lalagyan ng solar panels.








