Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakipagpulong ang pamahalaang lungsod sa Metro Manila Development Authority (MMDA) para tiyaking aligned ang mga flood control project ng local at national government sa Quezon City.
Tinukoy ng MMDA ang ilang sa mga open space sa lungsod na nais nilang gawing rain catchment areas. Makakatulong ang mga ito para masolusyunan ang lumalalang pagbaha sa Metro Manila.
Nakaayon din ang mga ito sa kabuuang plano ng QC Government sa pagtugon sa baha.
Dumalo sa pulong ngayong umaga sina Mayor Joy Belmonte, MMDA Chairperson Romando Artes, City Engineer Atty. Dale Perral, Chief of Staff Rowena Macatao, at iba pang opisyal ng MMDA.








