Magtutulungan ang Quezon City Government at Metro Manila Devopment Authority (MMDA) para matugunan ang pagbaha sa lungsod.
Nagpulong ang Quezon City Government at MMDA para pag-usapan ang mga sanhi ng pagbaha at kung paano ito masosolusyunan.
Handang sumuporta ang MMDA, sa pangunguna ni Chairman Atty. Don Artes, sa mga inisyatibo ng lungsod na lubos na makakatulong sa mga residente at mga motorista.
Makikipagtulungan naman ang QC at MMDA sa iba pang ahensya ng pamahalaan, tulad ng DPWH at DOTR, para matiyak ang komprehensibong solusyon sa baha.
Kasama nina Mayor Joy Belmonte at Chairman Artes sa pulong ang iba pang opisyal ng MMDA at lokal na pamahalaan.




