Mga aso sa lansangan makakasama na sa Search And Rescue (SAR) Operation ng MMDA.
Nagpulong ang lokal na pamahalaan at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para pag-usapan ang planong isabak sa SAR training ang mga aso na nakukuha mula sa kalsada.
Kasama sa meeting sina Mayor Joy Belmonte, Disaster and Risk Reduction Management Office OIC Bianca Perez, at City Veterinary Department head Dr. Ana Marie Cabel.