Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes, at MMDA General Manager Nicolas Torre III upang talakayin ang pag-aayon at pagpapalakas ng koordinasyon sa mga proyekto ng QC at ng MMDA.
Ibinahagi ni Mayor Joy ang mga plano ng lungsod sa pedestrianization at active mobility na layong maisakatuparan sa mga susunod na taon bilang bahagi ng pagsusulong ng mas ligtas at mas maayos na kalsada.
Binigyang-diin sa pulong ang commitment ng parehong ahensya sa transparency, pagpaplano, implementasyon, at pagbabahagi ng impormasyon kaugnay ng joint projects, upang masiguro ang malinaw at epektibong pagtutulungan.
Dumalo rin sa pulong sina Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, City Architect Baltazar Avelino, City Planning and Development Department OIC Jed Gomez, at Traffic and Transport Management Department Head Dexter Cardenas.
Nagpahayag naman ng buong suporta ang MMDA sa mga inisyatiba ng lungsod para sa mas ligtas, mas organisado, at mas pedestrian-friendly QC.








