Nagpulong ang Quezon City Government, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at mga opisyal ng San Miguel Corporation (SMC) kahapon.
Pinag-usapan nila ang mga solusyon sa traffic congestion sa on-ramp at off-ramp ng Skyway Stage 3 Quezon Avenue, at kung paano matutugunan ang pagbaha sa G. Araneta Avenue at iba pang bahagi ng Metro Manila.
Patuloy na magtutulungan ang mga ahensya, sa pangunguna nina Mayor Joy Belmonte, MMDA Chairperson Romando Artes, at SMC Chairperson at CEO Ramon Ang para masigurong maso-solusyunan ang mga isyu sa buong rehiyon, partikular sa traffic at pagbaha.








