Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa Million Trees (MT) Foundation, sa pangunguna ng kanilang Chairman Emeritus na si BGen. Reynaldo Velasco (Ret) ngayong umaga.

Hangad ng organisasyon na mapalakas pa ang kanilang ugnayan at pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan, para ibayong mapangalagaan at maprotektahan ang kalikasan.

Tulad ng Quezon City, nais din nilang mapalawig ang green at open spaces na maaaring pahingahan, at pasyalan ng mga residente.

Kasama nina Mayor Joy at BGen. Velasco sa pulong sina Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) Head Andrea Villaroman at MT Foundation President at Executive Director Melandrew Velasco.

+2