Nakipagpulong sina Mayor Joy Belmonte, City Administrator Mike Alimurung, at Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Romando Artes upang ilahad ang mga programa na maaaring pagtulungan ng QC at MMDA.

Ipinakita ng pamahalaang lungsod ang mga proyekto nito sa mga pangunahing lansangan na pwedeng pagtulungan ng MMDA at QC sa hinaharap, kabilang ang lane rationalization sa Commonwealth Ave, pagpapaunlad ng active transport projects, paglalagay ng air quality monitoring sensors sa footbridges, pagpapaayos ng footbridges, at pagde-develop ng mga sidewalk para mas maging pedestrian-friendly.

Nangako naman ang MMDA na mahigpit na makikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para mas maayos at mas mapaganda ang mga kalye para sa mga motorista, commuter, at residente.

Kasama rin sa pulong sina City Architect Lucille Chua, Parks Development and Administration Department Head Arch. Nancy Esguerra, Climate Change and Environmental Sustainability Department Head Andrea Villaroman, Engr. Rowena De Guzman mula sa City Engineering Department at iba pang opisyal ng MMDA.