Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay Sonia Mendoza, Founding Chairperson ng Mother Earth Foundation, upang talakayin ang pakikipagtulungan ng Lungsod sa RACE TO 100: The Philippine Zero Waste Challenge.
Layunin ng inisyatibang ito na palawakin ang bilang ng mga lokal na pamahalaang nagpapatupad ng Zero Waste practices mula 50 tungo sa hindi bababa sa 100 pagsapit ng taong 2030.
Nakiisa sa pulong si Andrea Villaroman, pinuno ng QC Climate Change and Environmental Sustainability Department bilang suporta sa programa.








