Nakipagpulong ang Quezon City Government sa mga lider ng transport sector ng Novaliches.
Pinakinggan ni Mayor Joy Belmonte ang mga suliranin na kinakaharap ng Novaliches Transport Coalition kabilang ang pagtatatag ng common terminal para maibsan ang traffic sa Novaliches; paglalagay ng karagdagang traffic signages; at mahigpit na pagpapatupad sa traffic rules lalo na sa mga designated terminal, loading, at unloading points.
Mahigpit na makikipagtulungan ang lungsod sa grupo para matiyak na matutugunan ang kanilang mga kinakaharap na para rin sa kapakanan ng mga driver at komyuter.
Kasama ni Mayor Joy sa pulong sina Assistant City Administrator for Operations Bebot Kimpo, City Legal Officer Atty. Carlo Austria, Transport and Traffic Management Department (TTMD) Head Dexter Cardenas, Novaliches Transport Coalition President Almario Lopez, at mga miyembro ng transport group sa Novaliches.
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/01/image-423-1024x683.jpeg)
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/01/image-422-1024x683.jpeg)
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/01/image-421-1024x683.jpeg)
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/01/image-420-1024x683.jpeg)
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/01/image-419-1024x683.jpeg)