Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay Mr. Joel Santos ng Thames International para pag-usapan ang mga programa para sa edukasyon ng mga kabataang QCitizen.
Isa sa mga ibinahagi ay ang ilalatag na e-commerce strand, katuwang ang Department of Trade and Industry at Department of Education, kung saan QC ang isa sa mga magsisilbing pilot city.
Tinalakay din ang TutorKo program na aalalay naman sa edukasyon ng mga anak ng QCitizen migrant workers, partikular sa subject na English.
Naroon din sa meeting sina Education Affairs Unit Chief Maricris Veloso at Public Employment Service Office Head Rogelio Reyes.

