Bilang bahagi ng learning recovery program ng lokal na pamahalaan, nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay Mr. Uly Crisostomo upang talakayin ang Cerebry, isang math teaching tool na gumagamit ng Artificial Intelligence upang matulungan ang mga mag-aaral at ma-assess ang kanilang skills sa naturang subject.
Libreng ipapagamit ng Cerebry ang kanilang software sa mga mag-aaral at guro sa public schools sa QC upang mapabuti ang numerical skills ng mga estudyante.
Isa sa mga prayoridad ng QC government ang learning recovery program matapos mahinto ng ilang taon ang face-to-face classes dulot ng pandemya.
Nakiisa sa pagpupulong sina Superintendent Dr. Carleen Sedilla ng Schools Division Office at Ms. Maricris Veloso ng Education Affairs Unit.