Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte at Ms. Narae Choi, Senior Urban Development Specialist ng World Bank upang talakayin ang mga smart city initiatives ng QC.
Inilatag ni Mayor Joy ang mga programa sa pag-automate ng iba-ibang serbisyo ng lungsod upang makapagbigay ng mas epektibo at mabilis na serbisyo para sa QCitizens.
Nakiisa sa pulong sina City Administrator Michael Alimurung, Local Economic Investment and Promotions Office head Jay Gatmaitan, at Information Technology and Development Department head Paul Padilla.