Upang maisulong ang kahalagahan ng mental health sa mga QCitizen partikular sa mga kabataan, nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay Natasha Goulbourn Foundation (NGF) President and Founder Jean Goulbourn ngayong hapon.

Makikipagtulungan ang lokal na pamahalaan sa NGF sa pagi-integrate ng Mental Health Hopeline Services sa QCitizen Helpline 122 para tumugon sa mga residenteng may mental health concern. Ite-train din ang mga guro at guidance counselor sa lungsod na magde-develop ng emotional resiliency ng mga mag-aaral mula Grade 4 to Grade 12.

Kasama rin ni Mayor Joy sa pulong sina Education Affairs Unit chief Maricris Veloso, Schools Division Office, Superintendent Carlene Sedilla, Information Techology Development Department Head Paul Padilla, at mga kinatawan mula City Health Department, City Administrators Office, at City Legal Department.