Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagpulong ang mga opisyal ng National Council for Children’s Television at Quezon City Public Affairs and Information Services Department (PAISD), upang talakayin ang pakikipagtulungan sa pagsusulong ng Media and Information Literacy (MIL) sa lungsod.
Pinangunahan ni PAISD Head Engelbert Apostol ang pulong kasama ang mga kinatawan ng NCCT Media and Information Literacy Education Services (MILES) na sina Ira Rica E. Malabanan, Hannah Michaela D. Pobre, Dyan L. Santos, at Glen O. Cuya.
Tinalakay sa pulong ang mga programang magtuturo sa mga kabataan kung paano maging responsable, mapanuri, at ligtas sa paggamit ng media at digital platforms.
Bahagi rin nito ang pagpapalawak ng kaalaman laban sa fake news at misinformation.









