Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte kasama ang iba-ibang ahensya ng pamahalaan upang talakayin proyektong ang integrated transport hub sa lungsod.

Iprinisenta ng bawat ahensya ang kanilang proposal para matagumpay na makamit ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na maisaayos ang iba-ibang hamon sa transportation sector sa bansa.

Nakiisa sa pulong sina Presidential Management Staff Usec. Rodolfo Palattao IV, Government Service Insurance System President and General Manager Wick Veloso, Metropolitan Manila Development Authority Chairman Romando Artes, at Department of Transportation Sec. Jaime Bautista.

Kasama rin ang ilang opisyal ng QC na sina City Administrator Michael Alimurung, Asst. City Administrator for Operations Alberto Kimpo, Asst. City Administrator for General Affairs Atty. Rene Grapilon, at City Planning and Development Department OIC Dr. Jose Gomez.

+6