Inimbitahan ni Mayor Joy Belmonte si National Historical Commission of the Philippines Chairman Regalado Trota Jose sa isang pulong para talakayin ang proposed rehabilitation ng Quezon Memorial Shrine sa QMC.
Ayon kay City Engineer Atty. Dale Perral, nagsagawa na ang lungsod at NHCP ng inspeksyon sa pylon at nirekomenda ang rehabilitasyon nito bilang isa sa makasaysayang istruktura sa bansa.
Ang Quezon Memorial Shrine ay itinayo noong 1978 bilang pag-alala kay dating Pangulong Manuel L. Quezon.