Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairperson Emmanuel Calairo para pag-usapan kung paano pa paunlarin at payabungin ang mga museyo at historical sites sa lungsod.

Kabilang sa mga tinalakay ng alkalde ay ang mga naka-planong development sa mga historical site tulad ng Pugad Lawin, at pagtatayo ng museyo at parke sa Novaliches.

Kasama ni Mayor Joy sa meeting sina City Tourism Department OIC Tetta Tirona, Parks Development and Administration Department OIC Red Avelino, Education Affairs Unit Chief Maricris Veloso, at mga kinatawan mula Green Transport Office.