Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay National Housing Authority General Manager Joeben Tai upang talakayin ang QC People’s Plan kung saan nakapaloob ang plano at kondisyon sa 18,000 pamilyang inaasahang maaapektuhan ng konstruksyon ng NLEX Segment 8.2.

Nakasaad sa People’s Plan ang apat na kondisyon na napagkasunduan kasama ang mga grupo ng informal settler families tulad ng relokasyon, pangkabuhayan, kabayaran sa istrukturang nasira, at partisipasyon sa pagpa-plano ng kanilang resettlement.

Nagpahayag si GM Tai na makikipatulungan ang NHA sa pamahalaang lungsod sa mga programa nito upang magkaroon ng seguridad sa paninirahan ang mga mahihirap na QCitizens.