Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa mga lokal na opisyal at mga pinuno ng National Housing Authority at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) upang talakayin ang mga agaran at pangmatagalang hakbang para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay Pinyahan.
Kasama sa pulong sina NHA General Manager Joeben Tai, District 4 Rep. Bong Suntay, Coun. Atty. Vincent Belmonte, Coun. Atty. Migs Suntay, Coun. Nanette Castelo-Daza, Coun. Egay Yap, at Coun. Imee Rillo.
Humarap din sina Chief of Staff Rowena Macatao, QC Housing Community Development and Resettlement Department OIC Atty. Jojo Conejero, District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate, City Legal Officer Atty. Carlo Austria, BFP-QC District Fire Marshal FSSupt. Roberto Samillano Jr., at QCPD Director PBGen. Randy Glenn Silvio.
Tinalakay ng mga ahensya ang mga plano para sa tirahan ng higit 1,900 pamilyang nawalan ng bahay.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon sa national government agencies upang matiyak na may ligtas at maayos na matutuluyan ang bawat pamilyang nasunugan.










