Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakipagpulong ang National Research Council of the Philippines (NRCP) sa lokal na pamahalaan kahapon.
Ibinahagi nina NRCP Executive Director Aido Sepeda at Dr. Karl Gerrard See kay Mayor Joy Belmonte ang kanilang research project na “Post-pandemic Human Security Map of the Philippines.”
Ang datos na makakalap sa proyekto ay magagamit sa pagtitiyak na ang bawat programa at inisyatibo ng pamahalaang lungsod ay tunay na nakaayon at akma sa pangangailangan ng mga residente.
Nangako ang lokal na pamahalaan na mahigpit na makikipagtulungan sa NRCP.
Tutulong naman ang NRCP sa pagbuo ng Food Security Masterplan ng lungsod.








