Nakipag-ugnayan ang Nayong Pilipino Foundation kay Mayor Joy Belmonte upang humingi ng payo at tulong sa kanilang planong pagtatayo ng bagong Nayong Pilipino Park and Cultural Destination.
Binigyang-diin sa pulong ang kahalagahan ng matibay na suporta ng pamahalaan para maisakatuparan ang mga proyekto tulad ng parks na nagtataguyod ng kalikasan at kalusugan ng mga mamamayan.
Kasama rin sa pulong sina Arch. Red Avelino ng Parks Development and Administration Department at Jay Gatmaitan ng Local Economic Development and Investment Promotions Office.




