Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang isang pulong kasama ang pamunuan ng New Intramuros Village Homeowners Association sa Brgy. Old Balara upang talakayin ang mga isyu hinggil sa street drainage at pagpapaganda ng mga kalsada sa nasabing barangay.
Kabilang sa mga dumalo sa pulong sina HOA President Gilbert Pe Aguirre, District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro, City Planning and Development Department OIC Dr. Jed Gomez, at mga kinatawan mula sa City Engineering Department.
Patuloy ang pakikipagtulungan ng QC sa mga HOA upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat komunidad sa lungsod.




