Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
PERFORMING ARTS SCHOLARSHIP SA QC! ![]()
![]()
Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay New York-based artist at theater director na si Miguel Braganza para pag-usapan ang pagpapaunlad ng performing arts initiatives at programs ng Lungsod Quezon.
Tinalakay sa pulong ang pagbuo ng Performing Arts Scholarship Program para tumugon sa kabataang QCitizens na layong mapaunlad at suportahan ang kanilang talento.
Inihahanda na rin ng Lokal na Pamahalaan ang pagbubukas ng mga City-led theaters na magsisilbing entablado ng mga kabataang nais mapabilang sa performing arts.
Kasama sa pulong sina Chief of Staff Rowena Macatao at mga kinatawan ng Quezon City Performing Arts Development Foundation.







