Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte kasama ang New York Times upang talakayin ang pagbibigay ng mas komprehensibo at accessible na learning materials para sa mga mag-aaral ng lungsod.
Ayon kay Mr. Adam Kershaw, Learning and Education Development Lead ng NY Times, malaki ang maitutulong ng digital tools bilang reading source para sa research ng mga mag-aaral at mga guro.
Kasama sa mga inalok ng Learning Network ang daily lessons, writing prompts, quizzes at vocabulary. Maaari naman itong magamit ng mga guro sa paggawa ng kanilang lesson plan at webinars.
Nasa meeting rin sina Education Affairs Unit head Maricris Veloso at Schools Division Superintendent Carleen Sedilla.










