Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
TREATMENT AT SCREENING NG BREAST CANCER, PALALAKASIN SA QC! ![]()
Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa mga opisyal ng Novartis Healthcare PH para talakayin ang mga hakbang upang mapalakas ang screening at pagtugon sa mga kababaihang may breast cancer sa lungsod.
Nais ni Mayor Joy na magkaroon ng malawakang breast cancer screening sa bawat komunidad ng mga barangay sa QC.
Layon ng proyektong binubuo na maagang ma-detect ang sakit at agarang matugunan ang mga pasyenteng QCitizens.
Tinalakay din ang pagbuo ng patient navigation system, unified tracking application, at pagpapalawak ng health promotion patungkol sa breast cancer.








