Nag-courtesy call kay Mayor Joy Belmonte ang pamunuan ng O Save Trading Philippines Corporation ngayong umaga upang pag-usapan kung paano pa mas mapapalapit sa mga QCitizen ang essential goods.
Pinasalamatan ng O Save ang QC Government dahil sa mabilis at madaling proseso ng pag-aapply ng mga permit na kinakailangan para sa kanilang operasyon.
Sa kasalukuyan, mayroon nang tatlong O Save stores sa lungsod (Anonas, 18th Ave., Kaligayahan). Target pa ng grupo na magbukas pa ng karagdagang 90 branch sa QC, na inaasahang magbibigay din ng oportunidad sa mga residente.
Kasama ni Mayor Joy sa meeting sina Local Economic Investment and Promotions Office Head Jay Gatmaitan, at Business Permits and Licensing Department Head Margie Santos.




