Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa pulong kasama ang mga alkalde ng Metro Manila, opisyal ng Office of Civil Defense (OCD), at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Tinalakay nila ang kasalukuyang sitwasyon sa National Capital Region kasunod ng pananalasa ng Bagyong Crising at Dante, pati na rin ang epekto ng Habagat.
Patuloy ang koordinasyon ng Quezon City Government sa mga ahensya ng national government para tiyaking maagap at epektibo ang pagtugon sa mga sakuna at pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan.

