Agarang solusyon ang sagot ni Mayor Joy Belmonte sa mga inilatag na problema at pangangailangan ng mga opisyal mula Barangay Quirino 3B (Claro) na pinangunahan ni P/B Ronald Tagle.
Partikular dito ang pagtatayo ng daycare center, bagong building na kanilang magagamit para sa serbisyo ng barangay, basketball court, at mga CCTV camera.
Dumalo rin si City Legal Department OIC Atty. Carlo Austria sa pulong upang magbigay ng payo sa barangay.