Nais ni Mayor Joy Belmonte na mapalawig pa ang programang pabahay ng lokal na pamahalaan, matapos makipagpulong sa mga kawani ng Pag-IBIG Fund.

Kasama sa mga prayoridad ng alkalde ang maagap na tugon at pagbibigay oportunidad na magkabahay ang mga miyembro ng Pag-IBIG fund, kabilang ang mga empleyado ng QC Gov’t, informal settler families, at ang urban poor sector na nasa paligid ng waterways sa Lungsod Quezon.

Dumalo rin sa pulong sina Housing Community Development and Resettlement Department Acting Assistant Department Head Atty. Jojo Conejero at Pag-Ibig Fund Institutional Housing Department Manager Jacqueline Constantino.