Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa pamunuan ng Park Inn by Radisson North EDSA ngayong umaga.

Ipinahayag ni Park Inn by Radisson North EDSA General Manager Ann Olalo ang layon nitong bigyan ng pagsasanay sa culinary at housekeeping ang mga person deprived of liberty (PDL). Kapag nagkaroon na ng training at nakalaya na, handa silang kunin ng Radisson.

Ayon sa alkalde, magbubukas ng maraming oportunidad ang pagsasanay at makapagbibigay ng stable na pagkakakitaan para sa mga PDL, lalo na sa kanilang reintegration sa komunidad.

Kasama ni Mayor Joy sa meeting sina District 1 Action Officer Ollie Belmonte at Gender and Development Council TWG Head Janet Oviedo.