Nakipagpulong ang pamahalaang lungsod sa mga lider ng iba-ibang sektor ng People’s Council of Quezon City (PCQC) upang mas mailapit pa sa kanila ang mga serbisyo ng lokal na pamahalaan.
Kabilang dito ang pagsasagawa ng pagtitipon para sa kanilang mga miyembro, at pagkakaroon ng mga capacity development training.
Naroon sa meeting sina Barangay and Community Relations Department (BCRD) Head Ricky Corpuz, PCQC – Religous sector representative Rev. Wilson Martin, PCQC – Academe sector representative Rachel Martin, PCQC – Social Justice/ Peace and Order sector representative Edd Dela Torre, at PCQC – Urban Farmers sector representative Lamberto Nolasco.