Para sa patuloy na pagkalinga sa ating QCitizen drivers sa kanilang pamamasada ay nakipagpulong ang Quezon City LGU sa Petron Corporation para pagusapan ang tuloy-tuloy na partnership. Kasama sa mga ito ang pamamahagi ng fleet cards, at mga issue at concern ng mga driver at mga residente.
Hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod na magparehistro at mag-renew ng franchise ang mga pampublikong sasakyan ng Quezon City.
Kabilang sa dumalo sina Mayor Joy Belmonte, City Administrator Mike Alimurung, Assistant City Administrator for Fiscal Affairs Don Javillonar, Petron fleet cards manager Mr. Alvin Christopher Becina, Petron North Luzon Area Manager Jennifer Tadique, at Petron Area Sales Executive Marvin Resma.