Nakipagpulong ang Quezon City Government sa PhilHealth para mas palakasin pa ang implementasyon ng Universal Health Care.

Ibinahagi ni PhilHealth Vice President Walter Bacareza kay Mayor Joy Belmonte ang iba-ibang serbisyo ng mga health institution sa bansa na libreng maa-avail ng mga QCitizen.

Handa ang lungsod na paigtingin pa ang pakikipag-ugnayan sa PhilHealth para maibigay sa mga residente ang mga serbisyong dapat nilang matanggap para matiyak ang kanilang kalusugan.

Kasama rin sa meeting sina PhilHealth Vice President Dr. Bernadette Lico, Chief-of-Staff Rowena Macatao, Chief Healthcare Operations Officer Dr. Dave Vergara, Rosario Maclang-Bautista General Hospital (RMBGH) Director Dr. Richard Cabotage, Quezon City General Hospital (QCGH) Assistant Director for Professional Services Dr. Amelita Guzon, QC Health Department OIC Ramona Abarquez, Social Services Development Department (SSDD) OIC Carol Patalinghog, at mga kinatawan mula sa iba pang opisina ng lungsod.