Abangan ang bagong music museum sa QC!
Makikipagtulungan ang lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon sa Philippine Association of the Record Industry (PARI) upang mabuo ang Music Museum na matatagpuan sa Quezon Memorial Circle (QMC).
Inihayag ni Mayor Joy Belmonte sa pulong na nais niyang gawin itong interactive museum na nakatuon sa Philippine music history and industry.
Isasama ito sa kasalukuyang ginagawang Pambansang Museo ng Pelikulang Pilipino sa QCX Museum.