Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa pamunuan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry-QC at World Vision PH para talakayin ang pagsulong ng child protection policies sa mga pribadong establisimyento sa QC.
Kabilang sa layunin ng pulong ang wakasan ang child labor sa lungsod sa tulong ng PCCI-QC at iba pang partner agencies at organizations.
Nakiisa sa meeting sina Business Permits and Licensing Department head Ms. Margie Mejia, PCCI-QC President Atty. Arnel Mateo, World Vision Project ACE QC Coordinator Joy Rhea Ponce De Leon, at QC Public Employment Service Office.