Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte, Philippine Coast Guard Commodore Nelson Timbang, at Philippine Information Agency (PIA) Director General Kat De Castro upang talakayin ang paglulunsad ng mural festival na magbibigay-pugay sa West Philippine Sea.
Layunin ng inisyatibang maipahayag ang kahalagahan ng soberanya at kamalayang pambansa sa pamamagitan ng sining.
Kasama sa pulong si PIA NCR Regional Director Emver Cortez at QC Gender and Development Council Office Head Janete Oviedo.
Bumisita rin kay Mayor Joy ang documentary filmmaker na si Baby Ruth Villarama upang talakayin ang mural festival at ang pagpapalawak ng kamalayan tungkol sa West Philippine Sea. Siya ang direktor ng Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea, na naglalahad ng kalagayan ng mga mangingisda, Navy, at Coast Guard sa nasabing lugar.








