Nakipag-dayalogo si Mayor Joy Belmonte kay Philippine Guarantee Corporation (PHILGUARANTEE) Vice President Nemia Mabulay para pag-usapan ang hakbang na gagawin sa Commonwealth Market matapos ang nangyaring sunog nitong Abril 25.
Pag-aari ng PHILGUARANTEE ang lupain ng Commonwealth Market. Aabot sa 332 market vendors ang apektado at nasa 149 na ang na-relocate sa temporary stalls sa palengke at karatig na commercial areas.
Hangad ng alkalde na agarang maayos ang palengke upang tiyaking malinis ang ibinibentang produkto sa mga mamimili at makapagnegosyo nang maayos ang mga vendors.
Kasama sa pulong sina City Attorney Carlo Austria, City Market Administrator and District 6 Action Officer Atty. Mark Aldave, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, Department of the Building Official head Engr. Isagani R. Verzosa Jr., Business Permits and Licensing Department head Margie Mejia, at Housing Community Development and Resettlement Department head Atty. Jojo Conejero.








