Makikipagtulungan ang Quezon City Government sa Philippine Nurses Association (PNA) para maisulong ang kapakanan ng mga nurse.
Sa pulong ni Mayor Joy Belmonte sa PNA Zone 3, tiniyak ng alkalde ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga nurse.
Pagtitibayin din ng lungsod ang partnership sa PNA para sa planong pagbuo ng nursing program sa Quezon City University.
Dumalo sa pulong ngayong hapon sina PNA Zone 3 Governor Ingrid Yap, QC Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez, at Education Affairs Unit Chief Maricris Veloso.



