Nagpulong ang Quezon City Government at Philippine Statistics Authority (PSA) upang pag-usapan ang gagawing “Census of Population and Community-Based Monitoring System (POPCEN-CBMS)” para sa taong 2024.

Layon nitong malaman ang tamang bilang ng populasyon sa lungsod, dahil mahalaga ito para makapaglaan ng tamang pondo ang national at local government sa mga programa at proyektong makakatulong sa QCitizens.

Dumalo rito sina Mayor Joy Belmonte, Assistant City Administrator Rene Grapilon, Acting Assistant City Planning and Development Officer Dr. Jose Edgardo Gomez, Jr., at mga opisyal ng PSA.