Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakipagpulong kay Mayor Joy Belmonte ang Philippine Tuberculosis Society Inc. (PTSI) at Boston-based non-profit organization na Partners In Health (PIH).
Ibinahagi ng PTSI at PIH ang plano nilang paglulunsad ng Tuberculosis program sa Tatalon, na inaasahang magpapalakas sa screening at treatment initiatives ng lungsod laban sa TB.
Tutulong din ang PTSI at PIH sa pagpapalawig pa ng programa, lalo na sa mga barangay na may matataas na kaso ng TB.
Kasama ni Mayor Joy sa pulong sina PTSI Executive Director at dating DOH Secretary Paulyn Jean Ubial, Dr. Salmaan Keshavjee ng PIH, at Dr. Ramona Abarquez at Dr. Marizel Wong ng QC Health Department.







