Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa mga kinatawan ng Philippines Statistics Authority (PSA) upang talakayin ang integration ng QCitizen ID ng Lungsod Quezon sa National ID ng national government.
Sa tulong ng eVerify platform ng PSA, mas mapapadali ang identity verification ng mga ID holders. Kasama sa features nito ang facial recognition at fingerprint scanner.
Ilan sa mga benepisyo ng
pag-integrate ng QCID sa PSA ay ang pagpapabilis ng serbisyo publiko, mabawasan ang identity theft, at mapapalakas ang security and data integrity ng programa.